ParaƱaque City ā Nakumpiska ang nagkakahalagang Php102K na shabu sa tatlong suspek sa buy-bust ng pulisya ng ParaƱaque City, nito lamang Miyerkules, March 16, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District ang mga suspek na sina Jason Lazarito Resterio alias āBongā, 36, single, walang trabaho, pinanganak noong December 4, 1984 sa ParaƱaque City; Gorjielyn Bianca Caneda Rabasto, 27, single, walang trabaho, pinanganak noong October 30, 1994 sa Las PiƱas City; at Cora Lazarito Resterio, 67, married, walang trabaho, pinanganak noong March 23, 1955 sa Dingle, Ilo-ilo City, pawang mga residente ng #003 Purok 3, Masville, Brgy BF Homes, ParaƱaque City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang alas-11:15 ng gabi naaresto ang mga suspek sa nasabing lugar sa pinagsanib puwersa ng Station Drug Enforcement Unit, Police Sub-Station 5 ng ParaƱaque City at Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, nakumpiska sa kanila ang isang small size heat-sealed transparent plastic sachet (subject of sale) at anim na piraso ng heat-sealed transparent sachet (subject of possession) na parehong naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 15 gramo at may Standard Drug Price na Php102,000, isang coin purse na kulay violet, at isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Art. II ng RA 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Jason Resterio at Gorjielyn Bianca Rabasto samantalang si Cora Resterio ay sasampahan sa ilalim ng PD 1829 (para c) o Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders.
Tiniyak ni PBGen Macaraeg na tuloy-tuloy na nilang ipapatupad sa kanilang hanay ang mas pinaigting na Campaign Plan Double Barrel Finale Version 2022 o ang Anti-Illegal Drugs Operations thru Reinforcement and Education (ADORE).
###
Panulat ni Police Corporal Jhoanna Marie C Najera
Good job galing talaga ng mga kapulisan