Subic, Zambales – Tinatayang Php102,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa apat na lalaki sa buy-bust operation ng kapulisan ng Zambales nito lamang Sabado, Marso 26, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Matthew Baccay, Regional Director ng Police Regional Office 3, ang mga suspek na sina Saad Mohammad y Hamajan, walang trabaho; Fernando Ramos y Sta Ana, 54, walang trabaho; Coro Jawatan, walang trabaho, na pawang mga residente ng Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales, at Jayson Santos y Catap, 37, walang trabaho, residente ng SBMA, Olongapo City.
Ayon kay PBGen Baccay, bandang 3:10 ng madaling araw naaresto ang apat na suspek sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales sa  pinagsanib na operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Subic Municipal Police Station; Zambales 2nd Provincial Mobile Force Company;  Criminal Investigation and Detection Group-Provincial Field Unit Zambales; at Philippine Drug Enforcement Agency-Zambales.
Ayon pa kay PBGen Baccay, nakuha sa apat na suspek ang isang pirasong sachet na hinihinalang shabu (buy-bust item), isang pirasong Php500 (buy-bust money) na may serial number MK395367, labindalawang pirasong sachets ng hinihinalang shabu; isang pirasong kulay green coin pouch; dalawang pirasong assorted lighter; limang pirasong small rolled foil, isang pirasong small strip foil served as improvised runway; isang pirasong foil improvised tooter; at isang pirasong open transparent plastic sachet.
Dagdag pa ni PBGen Baccay, ang labintatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu ay may kabuuang timbang na 15.80 gramo na nagkakahalaga ng Php102,000.
Aniya pa ni PBGen Baccay, mahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 6, 7, 11, 13, 14 at 15, Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay pinapaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga katuwang ang komunidad tungo sa mas maunlad at tahimik na bansa.
Source: Subic Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Ronald V Condes
ang ilegal na droga ay dapat wakasan! salamat PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Good job s mga pulis