Antipolo City, Rizal – Tinatayang Php102,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng pulisya sa Purok Silangan, Brgy. Dela Paz, Antipolo City, Rizal nitong Biyernes, Abril 1, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant June Paolo Abrazado, Hepe ng Antipolo City Police Station, ang mga suspek na sina Alvin Nono y Narvas alyas Alvin (Pusher/Maintainer); Getald Delgado y Braganza alyas Gerald; Ricky Espina y Dacut alyas Rik, pawang mga residente ng Purok Silangan, Brgy. Dela Paz, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Abrazado, bandang 9:55 ng gabi naaresto ang mga suspek sa nasabing barangay ng pinagsanib na puwersa ng Antipolo City PS at Philippine Drug Enforcement Agency ng Rizal.
Ayon pa kay Abrazado, nakumpiska sa mga suspek ang labing-isang piraso ng heat-sealed plastic sachet na may timbang na 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang may halaga na Php102,000, mga drug paraphernalia at isang piraso na genuine Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang mga suspek ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang manatiling ligtas at mapayapa ang komunidad.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon
Tunay n mahusay talaga ang mga kapulisan