Cavite – Nasamsam ang tinatayang Php102,000 halaga ng shabu sa isang lalaki sa ikinasang joint buy-bust operation ng GMA PNP nito lamang Disyembre 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Eleuterio Ricardo Jr, Officer-In-Charge ng Cavite Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Noli”, residente ng Brgy. Poblacion 4, GMA, Cavite.
Naaresto ang suspek sa nabanggit na lugar ng mga operatiba ng GMA Municipal Police Station at nasamsam ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 15 gramo at nagkakahalaga ng Php102,000, buy bust money at isang pitaka.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hinikayat ni PCol Ricardo Jr. ang mga mamamayan na suportahan at tulungan ang pulisya sa pagsugpo ng droga at kriminalidad para makamtam ang mapayapa, tahimik at maayos na probinsya.
Source: Cavite Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin