Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang anti-drug operation ng Makati City Police Station at nasamsam ang tinatayang Php102,000 halaga ng shabu sa Barangay Tejeros, Makati City nito lamang Biyernes, Enero 31, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Manuel Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Arnel,” 36, at alyas “Tom,” 34.
Nakumpiska ang 12 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 15 gramo na may Standard Drug Price (SDP) na Php102,000, isang pirasong ng Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, 15 piraso ng Php500 boodle money, at dalawang cellular phone.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga nadakip na suspek.
Patuloy namang paiigtingin ang anti-drug operations sa loob ng Southern Metro alinsunod sa pangako ng PNP sa pagpuksa sa ilegal na droga at pagtiyak sa kaligtasan ng komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSG Remelin M Gargantos