Putatan, Muntinlupa City — Umabot sa Php102,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng Muntinlupa City Police Station nito lamang Miyerkules, Agosto 3, 2022.
Kinilala ni Southern Police District Director, PBGen Jimili Macaraeg, ang mga suspek na sina Ronald Natividad y Gerodias alyas “Roy”, 40; Arwin Villamor y Talam, 33; at Erwin Cadalin y Defante, 26.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang alas-12:50 ng madaling araw naaresto ang mga suspek sa PNR site, Brgy. Putatan, Muntinlupa City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa CPS.
Nakumpiska sa tatlo ang isang small sized at tatlong medium sized na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 15 gramo at tinatayang Php102,000 ang halaga, at isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuling suspek.
Pinuri ni PBGen Macaraeg ang operating units sa kanilang walang humpay na kampanya kontra ilegal na droga at sinabing mas paiigtingin pa ng SPD ang kanilang anti-drug operations para maaresto ang mas maraming drug pushers gayundin ang mga gumagamit ng droga.
“Ang matagumpay na operasyon na ito ay resulta ng aming pinaigting na kampanya at operasyon ng aming mga operatiba na nagtatrabaho araw at gabi upang masiguro na mabigyan kayo ng ligtas at tahimik na komunidad,” dagdag ni PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos