Camarines Sur – Tinatayang nasa Php102,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang drug pusher sa inilunsad na drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Iriga City PNP sa Zone 3, Kalye Onse, Brgy. Sta. Cruz Sur, Iriga City, Camarines Sur nito lamang Enero 8, 2024.
Kinilala ni Police Major Jabesh Napolis, Hepe ng Iriga City Police Station, ang suspek sa alyas na “Pam”, 34, at residente ng Zone 2, Brgy. Sta Cruz Sur, Iriga City, Camarines Sur.
Ayon kay Police Major Napolis, bandang 9:30 ng gabi ng isinagawa ang operasyon ng Iriga City Police Station ng CamSur PPO sa pakikipag-ugnayan sa PDEA-Camarines Sur Provincial Office.
Nakumpiska mula sa suspek ang 15 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may street value na Php102,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay ng PNP Bikol sa pagsugpo ng ilegal na droga ay bunga ng pinaigting na kampanya laban dito upang mahuli ang mga taong nagpapakalat nito upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Iriga City Police Station- CSPPO