Friday, November 29, 2024

Php102K halaga ng shabu at baril nasabat ng GenSan PNP; lalaki arestado

General Santos City – Kalaboso ang isang lalaki matapos makuhanan ng tinatayang Php102,000 halaga ng shabu at baril sa Purok Paradise, Brgy. Tambler, General Santos City nito lamang Lunes, Pebrero 27, 2023.

Kinilala ni Police Major Ian Bagot, Station Commander ng General Santos Police Station, ang suspek na si alyas “Reymond”, 37, at residente ng naturang barangay.

Ayon kay PMaj Bagot, bandang 8:00 ng gabi habang nagpapahinga ang dalawang undercover na pulis sa isang tindahan, biglang dumating si alyas “Reymond” upang bumili ng ice water nang tumalikod ito ay nakausli ang hawakan ng baril.

Agad namang nilapitan at tinanong ang suspek kung bakit may dala-dala itong baril ngunit biglang bumunot at akmang babarilin ang mga awtoridad kaya napilitang barilin ito sa kaliwang paa.

Narekober mula sa suspek ang 22 piraso ng plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 gramo na may tinatayang halaga na Php102,000, isang Cal. 45 pistol na may kasamang dalawang magazine at mga bala.

Kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 ang isinampa laban sa naturang suspek.

Giit naman ni PMaj Bagot na patuloy ang kanilang himpilan sa pagpapanatili ng katahimikan sa kanilang nasasakupan alinsunod sa programa ni CPNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran).

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles