Nasabat ang Php102,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga sa ikinasang Search Warrant Operation ng mga awtoridad sa Purok 1, Barangay Sta. Cruz, Talisay, Camarines Norte nito lamang Marso 9, 2024.
Isinagawa ng mga operatiba ng Talisay MPS, Camarines Norte PPDEU, RPDEU, CNPIU at Camarines Norte 1st PMFC ang operasyon sa bahay ng suspek na kinilalang si alyas “Romy” kung saan nakumpiska mismo sa loob ng kanyang pamamahay ang 15 gramo ng ilegal na droga na may katumbas na halagang Php102,000.
Isinagawa ang operasyon sa presensya ng nanay ng suspek at nananatiling at large pa ang suspek habang patuloy na tinutugis ng mga otoridad upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Walang humpay ang Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng iba’t ibang operasyon at kampanya kontra ilegal na droga alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.
Source: Talisay Mps Camarines Norte PPO
Panulat ni Pat Rodel Grecia