Tiaong, Quezon – Tinatayang Php100,368 na halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang construction worker sa ikinasang buy-bust operation ng Tiaong PNP nito lamang Biyernes, ika-16 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marlon Cabataña, Chief of Police ng Tiaong Municipal Police Station, ang dalawang suspek na sina alyas “Mark”, 22, at alyas “Ton”, 25, pawang mga residente ng Sitio Maligaya, Brgy. San Isidro, Tiaong, Quezon.
Ayon kay PLtCol Cabataña, bandang 8:15 ng gabi naaresto ang mga suspek sa Liway-way Village, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon ng mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Tiaong Municipal Police Station.
Narekober sa dalawang suspek ang dalawang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 4.92 gramo na nagkakahalaga ng Php100,368, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang marked money at isang fan knife.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Batasang Pambansa 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon.
Ang tagumpay ng PNP laban sa pagsugpo ng ilegal na droga at iba pang krimen ay bunga ng pinaigting na ugnayan at suporta ng mamamayan upang mapanatili na ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A