Nasabat ng kapulisan ng Mandaue City mula sa isang High Value Individual ang Php100K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Maharlika, Barangay Tipolo, Mandaue City, noong ika-28 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo I Alarcon Jr, hepe ng City Intelligence Unit/City Drug Enforcement Unit, Mandaue City Police Office ang suspek na si “Jp”, 35 at residente ng Upper Tabucanal, Pardo, Cebu City.
Naisagawa ang nasabing operasyon bandang 9:51 ng gabi na nagresulta sa pagkasamsam ng 12 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 15 gramo at may standard drug price na Php102,000 Oppo na cellphone, black at gray na sling bag at buy-bust money.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kapulisan ng Mandaue City ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga. Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng pamahalaan na labanan ang anumang uri ng kriminalidad upang magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang bagong Pilipinas.
Source: City Intelligence Unit MCPO
Panulat ni Pat Grace P Coligado