Tinatayang Php100,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Caang, Kayapa, Bakun, Benguet noong ika-3 ng Agosto 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Bakun Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit Benguet PPO, Regional Intelligence Unit-14, at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may lawak na 100 square meters at may 500 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php100,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Whole-of-Nation of the Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.