Benguet – Tinatayang Php100,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre at sinira sa isinagawang marijuana eradication ng mga otoridad sa Sitio Manggaan, Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-9 ng Oktubre 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa pinagsamang operatiba ng Bakun PNP, PDEU at Benguet Provincial Intelligence Unit.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre at pagwasak ng isang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 100 square meters at may kabuuang tanim na 500 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng tinatayang Php100,000 Standard Drug Price.
Lahat ng nadiskubreng halaman ng marijuana ay agad na binunot at sinunog ng mga operatiba sa mismong lugar.
Bagamat walang nahuling cultivator ay sinisiguro ni PCol Olsim na magsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga nagtatanim ng ipinagbabawal na halaman.