Tinatayang Php10,800,000 halaga ng tuyong tangkay ng marijuana na may bunga ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Ginawang, Poblacion, Kibungan, Benguet nito lamang ika-25 ng Mayo 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Kibungan Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Benguet PPO, Regional Intelligence Division, PRO Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng tuyong tangkay ng marijuana na may bunga na may timbang na 900 kilogram sa communal forest na nagkakahalaga ng Php10,800,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng tuyong tangkay ng marijuana na may bunga ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.
Patrolwoman Melanie L Amoyong