Tinatayang Php10,800,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga operatiba ng Mountain Province PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Mount Balitoc, Saclit, Sadanga, Mountain Province nito lamang ika-17 ng Agosto 2024.
Ayon kay Police Colonel Sibly P Dawiguey Jr., Provincial Director ng Mountain Province Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga pulisya sa pangunguna ng Sadanga MPS, Katuwang ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Mountain Province Public Information Office at Philippine Drug Enforcement Agency Mountain Province.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 2,200 square meters na may nakatanim na 54,000 na piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Php10,800,000 Standard Drug Price.
Lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni Police Colonel Dawiguey ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at sinisiguro naman na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra sa ilegal na droga, gayundin upang matuldukan ang paglaganap ng pinagbabawal na gamot sa kanilang nasasakupan.