Sunday, November 24, 2024

Php10.2M halaga ng shabu nasamsam ng Novaliches PNP; suspek arestado

Novaliches, Quezon City — Tinatayang Php10.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Novaliches Police Station (PS 4) nito lamang Biyernes, Agosto 12, 2022.

Kinilala ni QCPD Director, PBGen Remus Medina, ang suspek na si Jayson Espinar, 38, residente ng Brgy. San Bartolome, Quezon City.

Ayon kay PBGen Medina, naaresto si Espinar dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Carlos St., Montville Place Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City ng mga operatiba ng Novaliches PS-4 ng QCPD.

Ayon pa kay PBGen Medina, isang Confidential Informant ang nag-ulat sa pagbebenta ng ilegal na droga ng suspek.

Sa pagtugon ng pulisya, isang undercover na pulis ang nagpanggap bilang poseur buyer upang mahuli ang suspek.

Sa imbestigasyon, si Espinar ay napag-alamang may dati ng kaso kaugnay sa ilegal na droga at Robbery Hold-up.

Pagkatapos syang mahuli ng mga operatiba, nasamsam ang 1.5 kilograms na shabu na nagkakahalagang Php10,200,000, isang digital weighing scale, buy-bust money at isang cellphone na ginamit sa transaksyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binati naman ni PBGen Medina ang mga operatiba sa matagumpay nilang buy-bust operation. Kinondena rin nito ang mga gawain ng suspek at siniguro nitong madadakip ang lahat ng mga taong nasa likod nito.

Nagpahayag din ng pagbati ang pamunuan ng National Capital Region Police Office at tiniyak nitong patuloy ang buong kapulisan sa kalungsuran na panatilihan ang seguridad ng mamamayan laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

Source: PIO QCPD

###

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles