Quezon City – Tinatayang Php1.9 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District nito lamang Hulyo 8 at 9, 2023.
Ayon kay ni PBGen Nicolas D Torre III, District Director ng QCPD, nagsagawa ng operasyon ang Anonas PS 9 bandang 6:10 ng gabi, sa harap ng Saint Bridget School na matatagpuan sa kahabaan ng Aurora Blvd., Brgy. Loyola Heights, Quezon City na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na sina Alejandro, 52; Rosalinda, 50; at isang 16-anyos na babae, pawang mga residente ng Brgy. Santa Ana, Taytay, Rizal.
Nakumpiska ng mga otoridad ang 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php1,700,000; dilaw na sling bag; isang cellular phone; Isuzu DMAX na may Plate No. NOT 449; at buy-bust money.
Ayon pa kay PBGen Torre lll, nagsagawa din ng operayon ang Novaliches PS 4 na nagresulta sa pagkakadakip kay Mark Anthony, 25 at residente ng Brgy. Saloysoy, Meycauayan, Bulacan, dakong 5:30 ng madaling araw ng Hulyo 9, 2023 sa kahabaan ng Gen. Luis St., corner Mendoza Compound, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.
Nakumpiska sa kanya ang 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php272,000; isang itim na pitaka ng barya; isang cellular phone; isang (1) unit ng caliber 9mm Taurus pistol; isang (1) piraso ng magazine ng 9mm Taurus pistol; at limang (5) piraso ng 9mm full metal na bala.
Paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek at karagdagang kaso kay Mark Anthony sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
“Binabati ko ang ating mga operatiba sa kanilang patuloy na operasyon laban sa ilegal na droga. Ito ay malaking kontribusyon upang mapanatili nating ligtas at payapa ang lungsod ng Quezon. Makakaasa kayo na buo ang aking suporta sa lahat ng inyong trabaho laban sa mga ilegal na mga gawain,” ani PBGen Torre III.
Source: PIO QCPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos