Kalinga – Tinatayang Php1,900,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre sa dalawang plantasyon sa Sitio Asog, Bugnay, Tinglayan, Kalinga nito lamang Lunes, Marso 27, 2023.
Nagsagawa ng marijuana eradication ang mga operatiba ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan PNP at PIU/PDEU Kalinga nang tumambad ang nasa kabuuhang 9,500 pcs ng Fully Grown Marijuana Plant (FGMP).
Dagdag pa sa ulat, 2,000 piraso ng FGMP ang nadiskubre sa unang plantasyon na may Standard Drug Price na Php400,000. Samantala, 7,500 pirsaso ng FGMP na may SDP na Php1,500,000 naman sa ikalawang plantasyon.
Ang mga nadiskubreng marijuana plant ay agad naman binunot at sinunog ng mga operatiba at walag nahuling marijuana cultivator.
Patuloy ang PNP sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga, terorismo at kriminalidad upang maging tahimik at maayos ang komunidad.