Tinatayang Php1.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga sa isinagawang joint buy-bust operation sa Purok 6, Barangay Bool, Tagbilaran City, Bohol nito lamang Martes, Enero 14, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joemar S Pomarejos, Chief ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Bohol Police Provincial ang suspek na si alyas “Jaz”, 36 taong gulang, residente ng Purok Lansones, Barangay Sta. Cruz Pooc, Baclayon, Bohol.
Ikinasa ang nasabing operasyon bandang 1:50 ng madaling araw sa pinagsanib puwersa ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit at Tagbilaran City Police Station, na humantong sa pagkakaaresto sa suspek matapos makabili ng ilegal na droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nasamsam sa naturang suspek ang 10 pakete ng hinihilanag shabu na nasa 265 gramo na may tinatayang halaga na Php1,802,000, cellular phone, sling bag, at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang buong hanay ng Bohol Police Provincial Office ay walang tigil sa mga operasyon laban sa iligal na droga at lalo pang papaigtingin ang kampanya upang masakote ang mga indibidwal na nasa likod ng mga ilegal na gawain na ito.