Tinatayang Php1.8 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit ng Iloilo City PNP sa Barangay Lanit, Jaro, Iloilo City, nito lamang Sabado, ika-16 ng Marso 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio Benitez Jr., hepe ng City Drug Enforcement Unit, ang dalawang High Value Individual na sina alyas “Paw-Paw”, 50, jeepney driver; alyas “Kirk”, 40, construction worker, at dalawang Street Level Individual na sina alyas “Tata, 38, isang bouncer, at si alyas “Toto”, 26, walang trabaho, mga kapwa residente ng Barangay Lanit, Jaro, Iloilo City.
Narekober sa mga suspek ang 12 sachets ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nasa 90 gramo ang bigat at may street value na Php1,800.000.
Kabilang din sa mga narekober ang ginamit na buy-bust money na nagkakahalaga ng Php8,000.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Iloilo City PNP sa pagpapaigting ng operasyon laban sa ilegal na droga upang makamit ang minimithing ligtas at drug-free community para sa mamamayan ng syudad, tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: PRO6 RPIO
Panulat ni Pat Glydel V Astrologo