Negros Occidental – Nasabat ang tinatayang Php1.8 Milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng Bago Component City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joem J Malong, Chief of Police at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Matti Street, Purok Bilaho, Brgy. Poblacin, Bago City, Negros Occidental nito lamang ika-14 ng Hulyo 2022.
Kinala ni Police Lieutenant Colonel Malong, ang suspek na si Rex Quilong y Delos Santos alyas “Pedic/Pedik”, 42, residente ng Purok Mahinangpanon, Brgy. 35, Bacolod City, Negros Occidental.
Ayon ka Police Lieutenant Colonel Malong, nakumpiska sa suspek ang isang pirasong transparent zip lock, isang pirasong limang-daang buy-bust money, isang unit ng .45 caliber pistol, limang piraso ng .45 caliber live ammunition, isang pirasong black backpack at cash na nagkakahalaga ng Php2,553, 24 piraso na heat-sealed transparent plastic sachet, apat na pirasong knot tied transparent plastic sachet na parehong naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 275 grams ng hinihinalang shabu at 5 grams ng hinihinalang marijuana, na may kabuuang halaga na Php1,800,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ng Bago Component City Police Station na paiigtingin ang operasyon nito upang agad na mahuli ang mga may pananagutan sa batas.
###