Benguet – Tinatayang nasa Php1, 800, 000 halaga ng marijuana dried stalks ang nadiskubre sa isinagawang marijuana plantation site validation ng mga tauhan ng Kibungan Municipal Police Station at Regional Intelligence Unit 14 sa Sitio Wanga, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-13 ng Agosto 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, nagsagawa ng marijuana plantation site validation ang Kibungan MPS pagkatapos makita ang suspected dried marijuana na nakuha sa pamamagitan ng drone na kasalukuyang pinapatuyo sa nasabing lugar.
Nadiskubre ng mga operatiba ang mga dried marijuana stalks na may Standard Drug Price na Php1,800,000.
Ayon pa kay PCol Damian, walang nahuli sa operasyon ngunit muling pinapaalalahanan ang publiko na itigil ang pagtatanim ng marijuana sapagkat hindi titigil ang Benguet PNP sa pagpuksa at paghuli sa mga nagtatanim at nag-aangkat sa ipinagbabawal na halaman.
Source: RPCADUCOR