Quezon – Tinatayang Php1,869,864 na halaga ng shabu ang nasabat sa isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng Quezon PNP at PDEA 4A nito lamang Miyerkules, Pebrero 8, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Gerald”, 27 at residente sa Purok Camia, Brgy. Cotta, Lucena City, Quezon.
Ayon kay PCol Monte, naaresto ang suspek sa naturang lugar bandang 10:47 ng gabi ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit- Quezon, Provincial Intelligence Unit- Quezon, Philippine Drug Enforcement Agency 4A- Quezon at Lucena City Police Station Drug Enforcement Unit.
Narekober sa suspek ang 18 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 91.66 gramo na nagkakahalaga ng tinatayang Php1,869,864, isang pulang Rusi tricycle, isang gray belt bag, 12 piraso ng Php1,000 bill na ginamit bilang boodle money at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Sa patuloy na pakikipagtulungan ng bawat isa sa pagsugpo sa mga ilegal na gawain, this will be our doorstep to live in a peaceful and progressive community that everyone deserves to be felt and perceived”, ani PCol Monte.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A