Narekober ang Php1,725,000 halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang Sulu Maritime Police Station intelligence-driven operation sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu noong ika-14 ng Disyembre 2024.
Ayon kay Police Major Fritze James L Madrid, Chief ng Sulu Maritime Police Station, bandang 8:00 ng gabi nang makatanggap ng isang impormasyon ang naturang istasyon galing sa confidential informant, ukol umano sa alleged trans-shipment ng mga peke o iligal na imported na smuggled na sigarilyo sa isla ng naturang lugar.
Narekober ang 30 Master Cases ng mga smuggled cigarettes na may tinatayang halagang Php1,725,000.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Sulu PNP upang mahuli ang mga salarin sa likod ng mga iligal na sigarilyo upang mapanagot sa saligang batas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui