Cebu City, Cebu – Tinatayang nasa Php1.7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa buy-bust operation sa Cebu City nito lamang Linggo, Mayo 29, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Regional Director, ang naaresto na si Renevic N Jao a.k.a. “Dodong”, 34 taong gulang.
Ayon kay Police Brigadier General Vega, nadakip ang suspek bandang 3:45 ng hapon sa General Maxilom Avenue Brgy. Zapatera, Cebu City sa matagumpay na operasyon ng mga miyembro ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7.
Ayon pa kay Police Brigadier General Vega, nakuha mula sa suspek ang tinatayang nasa 250 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php1,700,000.
Nahaharap ang naturang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay sa pinatindi at pinaigting na mga hakbangin ng PNP sa hangaring wakasan ang impluwensya ng ilegal na droga sa nasabing bayan.
###