Nasabat ang tinatayang Php1.7 milyong halaga ng shabu mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Northern Police District sa Barangay 28, Caloocan City nito lamang Lunes, Abril 7, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Josefino D. Ligan, District Director ng NPD, ang mga suspek na sina alyas “Ronald”, 43, isang ceiling installer, at alyas “Ferdinand”, 42, isang vendor—parehong residente ng Antipolo, Rizal.
Sa operasyon ng Caloocan City Police Station katuwang ang PDEA, nakumpiska ang dalawang plastic sachets at dalawang knot-tied plastic bags ng tinatayang 250 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php1.7 milyon, buy-bust money, isang belt bag, at iba pang ebidensya.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
“Patuloy ang aming kampanya laban sa iligal na droga para sa kaligtasan ng komunidad.” Hinihikayat ng NPD ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pag-uulat ng kahina-hinalang aktibidad,” pahayag ni PBGen Ligan.
Source: NPD PIO
Panulat PMSg Remelin M Gargantos