Wednesday, January 15, 2025

Php1.7M halaga ng shabu nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust ng NCRPO

NCRPO — Tinatayang Php1.7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Malate, Maynila at Navotas City nito lamang Miyerkules, Hulyo 20, 2022.

Ayon kay PMGen Felipe R Natividad, Regional Director ng NCRPO, dakong 10:40 ng gabi, naaresto ang tatlong suspek sa kahabaan ng F. Muños St., cor., Meding St., Brgy. 732, Malate, Manila ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Police Station – 9, Manila Police District.

Kinilala ang mga suspek na sina John Rafael Lugos y Chuca, 26; Rashid Guntalani y Guntan, 18; at Raymond Lagunsad y Estrella, 29.

Narekober sa mga suspek ang mahigit 200 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na aabot sa Php1,360,000.

Ayon pa kay PMGen Natividad, sa Navotas City naman, bandang 11:10 ng gabi, naaresto ang suspek na si Jade Sican y Monteves, 48, sa kahabaan ng Tanigue Ext., Brgy. NBBS, Dagat-dagatan ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at Intelligence Section ng Navotas, Northern Police District.

Nakumpiska mula kay Sican ang humigit-kumulang 50.1 gramo ng shabu na may katumbas na halaga na Php340,680.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa mensahe ni PMGen Natividad, kanyang pinuri ang kanyang mga tauhan, aniya, “Palakasin natin ang ating operasyon at koordinasyon para madakip ang mas maraming drug suspect at masamsam ang mas malaking halaga ng droga. Ang matagumpay na operasyong ito ay bunga ng ating pinaigting na intelligence driven operations ng ating mga operatiba na nagtatrabaho araw at gabi upang mabigyan ang publiko ng isang ligtas na komunidad at malayo sa lahat ng uri ng kriminalidad.”

Source: PIO NCRPO

###

Panulat ni PSSg Remelin Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles