Nadiskubre ng mga otoridad ang tinatayang Php1,730,000 halaga ng fully grown at dried marijuana stalks sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet noong ika-21 ng Oktubre 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba na pinangunahan ng Kibungan Municipal Police Station katuwang ang 2nd PMFC, PIDMU, POMU, Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit at PCADU ng Benguet PPO.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng apat na plantasyon ng marijuana na may lawak na mahigit kumulang na 530 square meters at may nakatanim na mahigit kumulang 2,650 na piraso ng fully grown marijuana plants at 10 kilos dried marijuana stalks na nakabalot sa puting selopin na nagkakahalaga ng Php1,730,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nakumpiskang marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ng Benguet PNP ay patunay na kaisa ang Pambansang Pulisya sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.