Binunot at sinunog ng mga tauhan ng Benguet PNP ang natagpuang Php1,680,000 halaga ng Full Grown Marijuana Plants sa Kibungan, Benguet noong ika-15 ng Marso, 2025.
Ayon kay Police Colonel Joseph Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang nasabing marijuana eradication, na kilala bilang Oplan Binnadang Gambit, ay pinangunahan ng Benguet 1st Provincial Mobile Force Company, katuwang ang Kibungan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Benguet PPO, Police Intelligence Team – Benguet, Regional Intelligence Division, Regional Intelligence Unit 14, at Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera Administrative Region.



Nagresulta ang operasyon sa pagkakadiskubre ng limang magkakaibang plantasyon ng marijuana na may tinatayang lawak na 1,050 kwadrado metro, na may nakatanim na 8,400 piraso ng FGMJP.
Bagamat walang nahuling indibidwal, lahat ng natagpuang marijuana ay naidokumento, binunot, at sinunog sa mismong lugar.
Ang operasyon ay patunay lamang ng masinsinang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at yunit ng PNP upang masugpo ang ilegal na taniman ng marijuana at protektahan ang komunidad laban sa droga.
Panulat ni Pat ni Jecibell Moyao