Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php1,600,000 na halaga ng assorted smuggled na sigarilyo ng Zamboanga City PNP nito lamang Martes, June 7, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director 9 ng Police Regional Office 9, ang mga naarestong suspek na sina Rasiden Durano Abdurasad, driver at Denhar Adjula Akiran, isang truckman.
Ayon kay PBGen Simborio, bandang 7:30 ng umaga nang nahuli ang mga suspek sa Pasay, San Roque, Zamboanga City ng pinagsanib puwersa ng Regional Special Operation Unit 9, Regional Intelligence Division 9 at Bureau of Customs.
Ayon pa kay PBGen Simborio, nasabat sa mga suspek ang 50 kahon ng assorted smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,600,000 at isang puting KIA closed van na truck na may Plate No. KAH 5334.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapa-alala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9