Zamboanga City – Tinatayang Php1,570,800 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa apat na suspek sa isinagawang seaborne patrol ng Zamboanga PNP nito lamang Agosto 10, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang mga suspek na sina Julhasim Said, may asawa, 31; Albaser Said, 24, may asawa; Akramin Tarawi, 34, may asawa; at Rahim Said, 38, may asawa at pawang mga residente ng Tungawan, Zamboanga Sibugay.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 9:30 ng umaga nang maaresto ang mga suspek lulan ng “Jungkong” sa Manalipa Island, Zamboanga City ng mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne” at Bureau of Customs.
Nasabat sa mga suspek ang mahigit kumulang 43 cases at 93 reams na smuggled cigarettes na may tinatayang halaga na Php1,570,800.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Patuloy naman ang kampanya ng Zamboanga PNP laban sa mga ilegal na smuggled cigarettes na pilit pinapasok sa kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9