Zamboanga City – Tinatayang Php1,596,700 halaga ng shabu ang nasamsam mula sa isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Zone 5, Brgy. Tulungatung, Zamboanga City bandang 1:55 ng madaling araw nito lamang Oktubre 11, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Saybil”, 27, may-asawa at residente ng Sitio Caragasan, Brgy. Maasin, Zamboanga City.
Naging posible ang naturang operasyon dahil sa pagsisikap ng Zamboanga City Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit 9, at Regional Mobile Force Battalion 9.
Nakumpiska sa suspek ang apat na pirasong transparent plastic sachets na pawang naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 234 gramo at nagkakahalaga ng Php1,596,700 at boodle money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa mas payapa at ligtas na komunidad.
Panulat Ni Patrolman John Ronald Tumonong