Thursday, November 14, 2024

Php1.5M halaga ng shabu, nasakote ng SPD;4 HVI, kalaboso

Nasakote ng mga operatiba ng Southern Police District ang isang drug den na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na High Value individual (HVI) at pagkakasamsam ng malaking halaga ng ilegal na droga at baril nito lamang Lunes, ika-11 ng Nobyembre 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Bernard Yang, District Director ng SPD, ang mga suspek na sina alyas “J”, 37 anyos, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”; si alyas “Edjane”, 33 anyos, estudyante, na nahaharap sa paglabag sa Section 26 in relation to Section 5, Article II of RA 9165; alyas “Reymar”, 27 anyos na dating miyembro ng ISAFP (PAF) ang kinasuhan ng paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 at si alyas “Mark Anthony,” 25 anyos, nahaharap sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 225 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na Php1,530,000 at isang kalibre 9mm pistol na may nakasingit na magasin at mga bala.

Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) sa pakikipagtulungan ng District Intelligence Division (DID-SPD), District Mobile Force Battalion (DMFB-SPD), Sub-Station 7 ng Parañaque City Police Station, at ang Philippine Drug Enforcement Agency Southern District Office (PDEA SDO).

Hinihikayat ng SPD ang publiko na suportahan ang mga pagsisikap na ito sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga at mga baril. Ang mga miyembro ng komunidad ay hinihimok na gamitin ang PNP Law Enforcement Request Information System (PNP LERIS) bilang isang pinagkakatiwalaang plataporma para sa pag-uulat ng impormasyon na maaaring makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa buong rehiyon.

Source: SPD PIO

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles