Tinatayang Php1,500,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Tulgao West Tinglayan, Kalinga nito lamang Linggo, Agosto 11, 2024.
Ayon kay Police Colonel Gilbert A Fati-ig, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba na pinangunahan ng Tinglayan Municipal Police Station kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit Provincial Intelligence Unit ng Kalinga PPO, 1503RD MC RMFB 15, 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, at Provincial Drug Enforcement Agency – Kalinga.

Nadiskubre ng mga nabanggit na operatiba ang isang plantasyon sa communal forest na may kabuuang lawak na 500 square meters na may nakatanim na humigit kumulang 3,000 Fully Grown Marijuana Plants at may Standard Drug Price na Php1,500,000.
Ang mga nadiskubreng marijuana plants ay binunot at sinunog sa mismong lugar ng taniman.
Patunay lamang na patuloy ang pagsuporta ng PNP sa kasalukuyang administrasyon na labanan ang paglaganap ng ipinagbabawal na halaman tungo sa mas mapayapang bagong Pilipinas.