San Mateo, Isabela – Tinatayang Php1,500,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa isangmagsasaka sa buy-bust operation ng PNP at PDEA sa San Mateo, Isabela nito lamangHuwebes, May 19, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, ang suspek na si Arjee Villuan alyas “Takki”, 31, magsasaka, residente ng Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela, at kasama sa PNP-PDEA Regional Priority Target List.
Ayon kay PCol Go, naaresto ang suspek sanasabing barangay sa pinagsanib puwersa ng mga operatiba ng San Mateo Police Station, PDEA Regional Office II – Isabela at Provincial Intelligence Unit, Isabela Police Provincial Office matapos magbenta ng isang brick ng Marijuana hashish sa isa sa operatiba ng PDEA naumaktong poseur-buyer.
Ayon pa kay PCol Go, nakumpiska sa suspek ang isang piraso ng Php1,000 bill, siyam na piraso ng Php1000 bill bilang boodle money, limang brick ng Marijuana hashish na nagkakahalaga ng Php1,500,000 at isang unit ng improvised shot gun na may dalawang live ammunition.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag saRepublic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591(Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Samantala, patuloy naman ang PNP sapagsasagawa ng ganitong operasyon upangwakasan na ang ilegal na droga at kriminalidad sabuong bansa.
Source RPIO 2
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier