Tinatayang Php1,500,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-12 ng Marso 2025.
Ayon kay Police Colonel James D Mangili, Acting Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company katuwang ang Tinglayan Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency – Kalinga, at Provincial Drug Enforcement Unit / Provincial Intelligence Unit ng Kalinga Police Provincial Office.

Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana sa isang communal forest na may tinatayang sukat na 500 metro kuwadrado na may tanim na humigit kumulang 7,500 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php1,500,000.
Bagamat walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang pinagbabawal na tanim sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ng Kalinga PNP ay patunay na kaisa sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.