Laguna – Tinatayang Php1,500,000 halaga ng droga ang nasabat sa isinagawang Search Warrant ng Cabuyao City Police Station sa #14 Purok 1, Brgy. Marinig, Cabuyao City, Laguna nito lamang Biyernes, Pebrero 24, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Virgilio”, 42, tricycle driver, residente ng Purok 1, Brgy. Marinig, Cabuyao City.
Ayon kay PCol Silvio, bandang 12:32 ng madaling araw naaresto ang suspek sa naturang barangay ng mga operatiba ng Cabuyao City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jack Angog, Chief of Police.
Narekober sa suspek ang 10 heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 250 gramo na nagkakahalaga ng Php1,500,000, isang weighing scale, gunting at dalawang piraso ng glass pipe.
Ang naaarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
“Patunay lamang po ito na kami sa hanay ng PNP ay tuloy-tuloy ang laban kontra ilegal na droga at makakaasa po kayo na hindi kami hihinto sa mga ganitong operasyon upang tuluyan nating makamit ang ligtas at payapang pamayanan,” ani PCol Silvio.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A