Nasabat ng mga tauhan ng Southern Police District ang tinatayang Php1,530,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City nito lamang Lunes, Setyembre 30, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng SPD, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Kar”, 35 taong gulang at alyas “Meriam”, 30 taong gulang, kapwa residente ng Barangay Maharlika, Taguig City at mga part time employees ng JNT.
Naganap ang operasyon sa pinagsamang mga puwersa ng SPD Drug Enforcement Unit, PDEA-SDO, DID, DSOU, DMFB Taguig City Police Sub Station 7 sa Barangay Maharlika, Taguig City, bandang 11:45 ng gabi.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang pitong heat-sealed plastic sachets na tinatayang nasa Php1,530,000 halaga, isang genuine Php1,000 bill na may kasamang 24 na piraso ng Php1,000 na boodle money, isang pink na Samsung android phone at isang blue Nike sling bag.
Sasampahan ang dalawang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang PNP katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno sa pagsugpo ng ilegal na droga sa ating bansa upang makamit ang isang ligtas at mapayapang Bagong Pilipinas.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos