Umaabot sa Php1.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Navotas City Police Station nito lamang Miyerkules, Enero 31, 2024.
Kinilala ni NCRPO Regional Director, PMGen Jose Melencio C Nartatez Jr, ang mga suspek na sina alyas “Tere”, 41 taong gulang; at alyas “Mark”, 18 taong gulang.
Batay sa ulat, nag-ugat ang operasyon sa impormasyong ibinigay ng isang Regular Confidential Informant kaugnay sa mga ilegal na gawain ng mga naarestong suspek na agad namang inaksyunan ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Navotas City Police Station, Northern Police District, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA na naganap sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan ng nasabaing lungsod.
Nakuha mula sa possession at control ng suspek ang humigit-kumulang 220 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na aabot sa Php1,496,000.
Paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa mga suspek.
“Ang walang humpay na dedikasyon ng ating mga tauhan sa pagpapatupad ng batas na humantong sa pagkakumpiska ng ilegal na droga ay tunay na kapuri-puri. Ito ay sumasalamin sa ating hindi natitinag na pangako para makamit ang payapa at seguridad ng bawat isa,” ani PMGen Nartatez.
Source: RPIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos