Cebu City – Tinatayang aabot sa Php1,462,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang tulak ng droga na naaresto ng Cebu City PNP sa buy-bust operation nito lamang Lunes, Abril 11, 2022.
Kinilala ni PBGen Roque Eduardo Vega, Regional Director ng PRO7 ang suspek na si Jurafe Echevarria Ramirez alyas “Oyi”, 36 at Nicole Casona Sanchez, 18, parehong residente ng Sitio San Miguel, Brgy. Lorega, Cebu City.
Ayon kay PBGen Vega, dakong alas 10:35 ng gabi naaresto ang mga suspek sa Sitio San Miguel, Brgy. Lorega, Cebu City ng pinagsanib puwersa ng Police Drug Enforcement Group – Special Operation Unit 7 at Police Station 1 ng Cebu City Police Office sa pakikipag-koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 7 (PDEA-RO7).
Ayon pa kay PBGen Vega, nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit kumulang 215 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php1,462,000, buy-bust money, isang white paper bag at black sling bag na ginamit bilang lalagyan ng droga.
Dinala ang mga narekober na ebidensya sa Regional Forensic Group 7 para sa pag susuri.
###
Great job thanks PNP