Tinatayang Php1,440,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre sa isinagawang marijuana eradication ng mga awtoridad sa Brgy. Buscalan, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-28 ng Disyembre 2023.
Ayan kay Police Colonel Freddie Lazona, Provincial Directr ng Kalinga Police Provincial Office, ang operasyon ay naging matagumpay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga operatiba ng Tinglayan PNP, PDEU/PIU ng Kalinga at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company na nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon na may 7,200 fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price na Php1,440,000.
Bagama’t walang nahuling cultivator sa nasabing lugar ay agad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nasabing marijuana.
Ang Kalinga PNP ay muling nananawagan sa publiko na itigil ang pagtatanim ng marijuana dahil hindi titigil ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga para mahuli ang mga nagtatanim at nag-aangkat ng ipinagbabawal na halaman.