Tinatayang Php1,400,000 halaga ng fully grown marijuana plants ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga noong ika-18 ng Mayo 2024.

Ayon kay Police Colonel Freddie M Lazona, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga pulisya sa pangunguna ng 1st PMFC, kasama ang Tinglayan MPS, Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit Kalinga PPO at Philippine Drug Enforcement Agency Kalinga Provincial Office.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may tinatayang sukat na 700 square meters na may nakatanim na humigit kumulang 7,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php1,400,000 Standard Drug Price.

Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng mga binunot na fully grown na halaman ng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Lazona ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy na paiigtingin ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang matuldukan ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang nasasakupan.
Ang pagpuksang ito ng kapulisan ay bilang tugon at suporta sa isinusulong ng kasalukuyang administrasyon na maging drug free ang ating bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Melanie Amoyong