Tinatayang Php1,440,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng Kalinga PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-27 ng Marso 2025.
Ayon kay Police Colonel James Mangili, Acting Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Pasil Municipal Police Station katuwang ang Tinglayan Municipal Police Station, Lubuagan Municipal Police Station, Pasil Municipal Police Station, PNP Drug Enforcement Group Special Operation Unit 14 at Philippine Drug Enforcement Agency-Kalinga.
Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana sa isang communal forest na may tinatayang sukat na 600 metro kuwadrado na may tanim na humigit kumulang 7,200 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php1,440,000.
Bagamat walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang pinagbabawal na tanim sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ng Kalinga PNP ay patunay na kaisa ang Pambansang Pulisya sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.