Tinatayang nasa Php1.4 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkasunod na Search Warrant at buy-bust operation ng Cagayan De Oro City PNP sa Barangay Canitoan at Barangay Macasandig, Cagayan de Oro City nito lamang Pebrero 20-21, 2024.
Ayon kay Police Colonel Salvador Radam, City Director ng Cagayan De Oro City Police Office, naaresto ang mga suspek na sina alyas “Kent”, 32 at residente ng Tamabakan, Iligan City; at si alyas “Junlox”, 33 at residente ng Barangay Macasandig, Cagayan De Oro City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 210 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php1,428,000.
Ang nasabing operasyon kontra ilegal na droga ay lalong papaigtingin ng Pambansang Pulisya alinsunod sa utos ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ituloy ang kampanya kontra sa illegal na droga.
Panulat ni Pat Jovelyn J Dodoso