Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang tulak matapos mahulihan ng higit sa Php1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Queen Tuna Park Brgy. Dadiangas South, General Santos City nito lamang Enero 13, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang dalawang suspek na sina alyas “Mohamid” at alyas “Lester”, na pawang residente ng Brgy. Tulunan, Talitay, Maguindanao Del Sur.
Batay sa ulat ng General Santos City Police Station 6, dakong 3:19 ng madaling araw nang maaresto ang dalawang suspek ng mga operatiba ng GSCPO-PS 6, City Police Drug Enforcement Unit, Regional Special Operations Group 12, Regional Intelligence Division 12, Highway Patrol Group at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA XII.
Isang police officer ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng isang sachet ng hinihinilang shabu mula sa dalawang suspek ay kaagad inaresto.
Nakumpiska mula sa dalawang drug suspect ang nasa humigit kumulang 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php1,360,000; buy-bust money; at iba pang non-drug items.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampang reklamo sa mga arestadong indibidwal.
“This operation stands as a testament to the unwavering dedication of PRO 12 in the relentless fight against the proliferation of illegal drugs, prioritizing the safety and well-being of the community. I commend the commendable efforts of the operating units involved in executing this successful drug enforcement operation,” ani PBGen Macaraeg.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin