Timbog ang dalawang indibidwal sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkasamsam ng tinatayang Php1,360, 000 sa Purok Tinio, Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato nito lamang ika-5 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General James E Gulmatico, Officer-In-Charge ng Police Regional Office 12, ang dalawang arestado na si alyas “Ron-ron”, 34 anyos, may asawa at residente ng Banga, South Cotabato at si alyas “Mark”, 34 anyos, walang asawa at residente ng Banga, South Cotabato.
Bandang 10:41 ng gabi nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Polomolok Municipal Police Station (lead Unit), SCPDEU, SCPIU, RSOG 12, RID 12, Tupi MPS at RPDEU 12 na nagresulta ng pagkadakip ng dalawang suspek.
Nasamsam ang limang sachet ng hinihinalaang shabu na may timbang na 200 na gramo at nagkakahalaga ng mahigit Php1.360,000, isang Php1,000 bill at 99 na pirasong Php1,000 bill na ginamit sa buy-bust at isang Toyota Hilux.
Mahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Walang tigil ang mga operasyon ng PNP laban sa ipinagbabawal na gamot na walang ibang dala kundi karahasan at terorismo sa ating inang bayan.