Negros Occidental – Mahigit Php1.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng pulisya sa Yapquiña Subd. Brgy. 3, Victorias City, Negros Occidental nito lamang ika-25 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Mark Anthony Darroca, Hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, ang mga suspek na sina Denmark Liscano y Bolinas alyas Denmark, High Value Individual, 26, estudyante at residente ng Osorio St. Lopez Subd. Brgy. 3, Victorias City Negros Occidental at si Marijo Acuña y Orceo, 37, residente ng Yapquiña Subd. Brgy. 3, Victorias City, Negros Occidental.
Ayon kay PLtCol Darroca, bandang 4:01 ng hapon ng naaresto ang mga suspek sa pinagsanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 at Station Drug Enforcement Team ng Victorias City Police Station.
Ayon pa kay PLtCol Darroca, nakumpiska sa mga suspek ang isang improvised homemade shot gun na may dalawang piraso ng twelve-gauge shotgun live ammunitions; perang nagkakalahaga ng Php25,000; 25 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet; dalawang knot tied transparent plastic bag na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 200 gramo na nagkakahalaga ng Php1,360,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Negros Occidental PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad para sa mas maayos at maunlad na komunidad.