Talisay City, Cebu – Tinatayang nasa Php1,360,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Talisay City PNP nito lamang Sabado, Hunyo 11, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Randy T Caballes, Chief of Police ng Talisay City Police Station, ang suspek na si Jerome Pacada Casul alyas “Yomi”, 36, residente ng Upper Riverside, Brgy. Inayawan, Cebu City.
Ayon kay PLtCol Caballes, naaresto ang suspek bandang 2:30 ng madaling araw sa Sitio Dawis, Brgy. San Roque, Talisay City, Cebu ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit Team ng Talisay City Police Station.
Ayon pa kay PLtCol Caballes, nakuha kay Casul ang 40 transparent sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng hindi bababa sa 200 gramo na may tinatayang halaga na Php1,360,000, isang unit ng white samsung cellphone, isang black sling bag at buy-bust money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang operasyon kontra ilegal na droga ng Talisay City PNP sa pamumuno ni PLtCol Caballes ay patuloy na papaigtingin ang ganitong operasyon upang masakote ang mga personalidad na nasa likod ng mga operasyon nang ipinagbabawal na gamot.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio