Caloocan City – Nasabat ang tinatayang nasa Php1.3 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Caloocan City PNP nito lamang Linggo, Mayo 1 ,2022.
Kinilala ni Northern Police District Director Police Brigadier General Ulysses Cruz ang mga suspek na si Esmeralda Pangyarihan y Casidsid alyas “Kikay”, 28, residente sa General Concepcion St., Barangay 132, Lungsod ng Caloocan; Rakin Batua y Mitra, 18; at Mohammad Umpa y Karim, 20, parehong residente ng Barangay 645, Quiapo, Manila.
Ayon kay PBGen Cruz, bandang 5:30 nang hapon naaresto ang mga suspek sa General Concepcion St., Barangay 132, Caloocan City ng mga operatiba ng OCOP- DEU, CCPS, 6th MFC RMFB-NCRPO at PDEA- RONCR.
Narekober sa mga suspek ang apat na knot-tied plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 202 gramo o katumbas ng Php1,373,600, isang genuine na Php1000 bill, pitumpu’t siyam na Php1,000 peke/boodle currency na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala pinuri naman ni PBGen Cruz ang mga operatiba sa matagumpay na pagkakaaresto sa tatlo kaya tiniyak niya na lalo pang paiigtingin ng kanyang hanay ang kampanya kontra ilegal na droga upang magkaroon ng mapayapa at ligtas na pamayanan.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos