Kalaboso ang tatlong High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Southern Police District sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City na humantong sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 200 gramo ng hinihinalang shabu nito lamang Miyerkules, Disyembre 4, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng SPD, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Muks”, 30 anyos; alyas “Vernon”, 44 anyos; at alyas “Raymundo”, 42 anyos.
Ayon kayu PBGen Yang, pinangunahan ng Drug Enforcement Unit ng SPD na may koordinasyon sa PDEA-SDO, DID-SPD, DSOU-SPD, DMFB-SPD, at Muntinlupa City Police 10, Sub-Station 6 Poblacion, na humantong sa pagkakasamsam ng tinatayang Php1,360,000 na halaga ng ilegal na droga, buy-bust money, android phone, at motorsiklo.
Sasampahan naman ng reklamong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip na suspek.
Hindi naman titigil ang mga tauhan ng SPD sa pagpapatrolya sa kanilang mga nasasakupang lugar upang masiguro ang isang ligtas at mapayapang pamayanan na malayo sa mapang-abusong epekto ng ilegal na droga.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos